Pages

Tuesday, 24 May 2016

Aguirangan Islands

At Naga City CBD II Van Terminal
Mula sa terminal, sumakay sa van ( FilCab ) papunta sa San Jose, Sabang port, pamasahe ay Php 100.00 bawat tao. Aabutin ang byahe ng halos isang oras at kalahati. Mas mabuti kung aalis sa Naga City ng alas 6:00 am, mas okay yung mas maaga para mas maganda ang mapiling upuan at di pa masyado siksikan. Ang van kasi saka lang umaalis pag lahat na ng upuan ay puno.

At Sabang Port, San Jose
Kailangan magrenta ng bangka. Depende sa presyo Php 2,000.00. Walang regular trips papunta sa Aguirangan Island, only special trips lang. Di katulad ng regular trips papunta sa Caramoan na ang pamasahe lang ay Php 120.00. Mas okay at makakatipid kung magrent ng bangka para sa grupo at maghati-hati na lang. The more the merrier na, the more the cheaper pa di ba?

Galing sa Port, aabutin ng 40 minutes or less ang byahe sa bangka (Motor).
May mga cottages na available sa beach front. Meron din sa upper level na pinaliligiran ng mga puno.
Meron ding comfort room sa area, yun nga lang kailangan mong gumamit na tubig galing sa dagat para makapagflush ka.

Ang Entrance fee is Php 35.00 (day rate) per person and cottage rental is Php 250.00 (beach front). Overnight fee mas mahal konti kesa day time rate. Paalala lang para sa lahat na keep the island clean as possible. So need natin magdal ng garbage bag at never ever leave your garbage anywhere on the island.



No comments:

Post a Comment